Home » » Scaregivers

Scaregivers

Ang Scaregivers ay kwento ng dalawang palpak na holdapers na nagpanggap na sira-ulo para hindi mapasok sa Bilibid, pero kinulong naman sa isang mental hospital.

Sa ospital na yun, may multong pumapatay ng mga nurse at mga piling-piling pasyente...kasama sila sa mga pasyente na gustong patayin. Buti na lang may nakilala silang "caregiver" na naging susi sa pag-eskapo nila.

At nung gabing tatakas na sana sila, malalaman nung dalawa na ang multong pumapatay ng pasyente at nurse ay ang dating siyota ng "caregiver" na tumutulong sa kanila.

Ano kaya ang nangyari sa multo? Ano ang mangyayari sa "caregiver"? Ano ang kahihinatnan ng dalawa nating bida?

Kasama rin sa pelikula sina Ryan Yllana at Edgar Allan Guzman at maraming special guests na magkakaroon ng cameo roles. Kasama na dito ang talk show host ng The Buzz na si Boy Abunda at ang Eat Bulaga mainstays tulad nina Vic Sotto at Julia Clarete. Ang pelikulang ito ay sinulat ni Jourdan Sebastian at ang nagdirehe ay si Uro dela Cruz, ang director ng coemdy show na Bubble Gang.

Handog ng APT at M-Zet Productions, humanda na para sa horror-comedy na Scaregivers. Mapapanood na ito simula November 26 sa mga sinehan sa buong bansa.
Share this article :